Kabanata 1 Thesis
PAMAMARAAN UPANG MAGBUNGA NG PRODUKTIBONG PAGGAMIT NG
KOMPYUTER SA TULONG NG BACHELOR OF SCIENCE IN
COMPUTER SCIENCE 2015
Isang Pamanahong Papel na Ihaharap kay: Prop. Christine C. Bobadilla ng
Kagawaran ng mgaWika at Komunikasyong Pang Madla
Kolehiyo ng mga Sining at Agham sa
Cavite State University
Bilang Pagtupad sa Isa sa mga Pangangailangan ng Asignaturang
Filipino 7, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa
Epektibong Pananaliksik
Nina:
JOHN EMMANUEL DELA ROSA
MISAEL PAUL MAMANGUN
KING CHRISTOPHER PENA
PATRICK PAJARILLAGA
CARLO ADRIAN PARCO
DENMARK MONDEJAR
JOHN DAVE LOPEZ
JAN O’NEIL VIDA
ELDON CHAVEZ
JOHN PAUL BAY
Marso _, 2015
Kabanata I
Ang Suliranin at Kaligiran Nito
- Introduksyon
Ngayong henerasyon, ang teknolohiya ay makikita kahit saan. Marami sa atin ang mayroon ng sariling kompyuter at ang teknolohiyang ito ang tumutulong sa ating araw-araw na pamumuhay upang mapagaan at mapadali ang iba’t – ibang gawain.
Masasabi ngang paggamit ng kompyuter ay kaakibat nang ilang tao sa kanilang pangaraw-araw na pamumuhay. Sa ginawang sarbey ng U.S Census Bureau noong 2010, 41% ngkabuuang population ng buong mundo ay mayroong kompyuter sa kani-kanilang bahay. Ngunit kalahati lang ng bilang na ito ang nagagamit ang kompyuter sama kakabuluhang bagay tulad nalamang ng pagkakalap ng impormasyon.
Ang modernong pagpapakahulugan sa computer ay isang electronic, programmable device na may kakayahang makapagstore, makapagretrieve at magprosesongmgadatos. (Lopez, 2008). Ngunit, kakaunti pa din lamang ang mga taong may kakayahang gamitin ng produktibo ang kompyuter.
Batay sa isinagawang sarbey tungkol sa kaalaman sa kompyuter ng mga mananaliksik, ang pangunahing problemang mga respondente ay wala sila ng sapat na kaalaman upang gamitin ang kompyuter sa mas produktibong paggawa. Batay din dito, ginagamit lamang ng mga respondent ang kompyuter upang maglaro, maghanap ng mga kinakailangan nila sapag-aaral, at magdownload ng mga kanta, litrato, bidyo at iba pa.
Ayon kay Reiff(1994) ang tao ang susi sa kaalaman at ang bawat indibidwal ay may sariling paraan o istilo sa pagkatuto.
Ang problema ng mananaliksik ay kung anong mga stratehiya ang gagawin upang masolusyunan ang di sapat ng kaalaman sa pag-gamit ng kompyuter. Ang mga mananaliksik ay araw-araw nakikita ang ganitong problema ng bawat isa. Ang mga Mananaliksik ay naging interesado at nag diskubre ng epektibong pamamaraan ito ay makakatulong sa ating lahat dahil narin ang Kompyuter ay ginagamit ng lahat.
Ukol sa pahayag sa itaas madali ang gumamit ng kompyuter ngunit hindi kasing dali ng pag-gamit ang pagiging produktibo sa kompyuter. Ayon sa mga mananaliksik, ang kakulangan sa kaalaman at paggamit ng mga tao ng kompyuter ay dahil saka walang pagtuturo ng pamamaraan upang mapadali at upang mas maging produktibo ang paggamit nito sinaliksik nila ang bawat assignatura ng kursong Bachelor of Science in Computer Science inalam ng manunulat ang bawat sulok ng kursong ito. Ito makapag bibigay ng bawat hakbangin at mga sapat na kaalaman sa pag gamit ng Kompyuter.
“Pamamaraan upang mag bungang produktibong paggamit ng kompyuter sa tulong ng Bachelor of Science in Computer Science 2015” ang pag-aaral ng mga mananaliksik na magbibigay kasagutan sa suliranin ng mga respondente at mag-aaral upang mas maging produktibo ang paggamit nila ng kompyuter.
- Paglalahad ng Suliranin
Naglalayon ang pananaliksik na ito na matukoy ang mga produktibong paggamit ng kompyuter sa tulong ng kursong Bachelor of Science in Computer Science. Tinangkang sagutin ng mananaliksik ang sumusunod na mga katanungan:
- Anu-ano ang mga paraan upang maging produktibo ang paggamit ng kompyuter?
- Anu-ano ang maaring paraan upang mas mapadali ang pagpapa-unlad ng kompyuter ayon sa paggamit nito?
- Anu-ano ang sistematikong pamamaraan upang magbunga ng Prduktibong Paggamit ng Kompyuter?
- Layunin ng Pag-aaral
Ang layunin ng pamanahong papel na ito ay nagbibigay impormasyon ukol sa mga pamamaraan upang magbunga ng produktibong paggamit ng kompyuter sa tulong ng Bachelor of Science in Computer Science. Ito ay ang mga sumusunod:
- Matukoy ang iba’t-ibang paraan upang maging produktibong paggamit ng kompyuter.
- Mailahad ang mga paraan upang mas mapadali ang pagpapa-unlad ng kompyuter ayos sa paggamit nito.
- Matukoy ang mga sistematikong pamamaraan upang magbunga ng Produktibong Paggamit ng Kompyuter.
- Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pananaliksik na ito ay kakalap at maglalahad ng mga pamamaraan upang maging mas produktibo ang paggamit ng kompyuter sa tulong ng kursong Bachelor of Science in Computer Science na kung saan maraming tao ang makikinabang dito.
Estudyante. Maaring makakuha ng mahahalagang impormasyon ang mga estudyanteng kumukuha ng mga kursong may kaugnayan sa paggamit o pag-aaral ng kompyuter.