Bangkang Papel
By: Edward • Essay • 769 Words • December 21, 2009 • 1,626 Views
Essay title: Bangkang Papel
Ulat ni Karen Davila
Sa bangkang papel nila isinulat noon ang kanilang mga pangarap para sa mas magandang buhay at pinalutang ito sa ilog Pasig.
Ika-23 ng Hulyo 2001, sinagot ng langit ang kanilang dasal.
Mula Payatas sa Lungsod Quezon, biglang napunta sa bulwagan ng Batasang Pambansa sina Jayson Banogon, Jomer Pabalan at Erwin Dolera.
Sila ang napili ng kauupo pa lang na Pangulong Arroyo para maging mukha ng kanyang programa para sa mahihirap na mamamayan.
Libreng pag-aaral, kabuhayan para sa magulang at titulo sa lupang kinatitirikan ang aginaldo ng Pangulo para sa mga bata.
Makalipas ang apat na taon, natupad na kaya ang pangako ng Pangulo sa kanila?
Kumusta na?
Upang malaman ang sagot, nagpunta ang The CORRESPONDENTS sa Payatas para kumustahin ang mga bata.
Unang sumalubong ang ama ni Erwin. Binatilyo na si Erwin ngayon at malayo sa siyam na taong gulang na paslit na humarap sa State of the Nation address ng Pangulo noong 2001.
"Ang natatandaan ko po patatapusin kami ng pag-aaral, tapos ang hiling na ibibigay ang lupang kinatitirikan ng bahay namin tapos ipapasara ang dumpsite," aniya.
Natupad na ang ilang sa kanyang mga hiling. Iskolar pa rin si Erwin sa kasalukuyan. Taon-taon, tumatanggap siya ng tseke na nagkakahalaga ng P18,750 na sapat para sa mga gastusin at baon sa eskwela.
Ang mga biyayang ito ay malayong-malayo sa buhay niya noon.
"Mahirap po talaga kasi 'pag may gustong bilhin na libro, walang pambili dahil walang pera. Noong naging iskolar kami, naging masaya kami," sabi ni Erwin.
Sa kasalukuyan, nasa ikalawang taon sa Payatas High School si Erwin. Nakakuha siya ng karangalan noong nasa unang taon.
Anang binatilyo, pangarap niyang kumuha ng kursong accountancy sa kolehiyo kahit mahina siya sa matematika.
Sa kabila nito, malaking bagay na para sa mga magulang ni Erwin na mapagtapos siya ng pag-aaral.
"Karangalan naming mga magulang na makatapos si Erwin sa pag-aaral kasi kami ang kinikita namin tama lang sa panggastos," sabi ni Gng. Dalmacia Dolera, ina ni Erwin.
Bukod sa pagiging iskolar ng gobyerno, nabiyayaan din ang pamilya Dolera ng maliit na halaga para mapasimulan ang proyektong babuyan. Dito sila kumukuha ng panggastos sa araw-araw.
Pangarap na natupad
Hindi mahirap intindihin kung bakit para sa pamilya Dolera, si Gng. Arroyo pa rin ang President ng Republika.
Bukod sa pagiging iskolar ni Erwin at kabuhayang naipagkaloob sa kanila, naipasara rin ng Pangulo ang tapunan ng basura sa Payatas.
Ang bundok ng mga basura ang dahilan ng pagguho na ikinamatay ng mga residente ng Payatas. Kabilang sa mga nasawi ang nakatatandang kapatid ni Erwin.
Edad 11 lang ang kapatid ni Erwin na si Eric nang maguhuan ng basura. Ngayong wala na si Eric, puspusan ang pag-aalaga ni Erwin sa nakatatandang kapatid na si Joy na may kapansanan.
Hindi lang si Erwin ang nawalan ng mahal sa buhay sa pagguho ng basura sa Payatas.
Maging si Jayson, nawalan ng magulang at kapatid. Kamag-anak niya ang nag-aalaga ngayon