EssaysForStudent.com - Free Essays, Term Papers & Book Notes
Search

Ang Pitong Buhay Ni Anabella: Ang Tagasalin Bilang Malikhaing Manunulat, Kritiko at Literary Historian

By:   •  Research Paper  •  1,546 Words  •  December 18, 2009  •  5,838 Views

Page 1 of 7

Essay title: Ang Pitong Buhay Ni Anabella: Ang Tagasalin Bilang Malikhaing Manunulat, Kritiko at Literary Historian

ANG PITONG BUHAY NI ANABELLA:

ANG TAGASALIN BILANG MALIKHAING MANUNULAT, KRITIKO AT LITERARY HISTORIAN

ni

ROSARIO CRUZ-LUCERO

Isang Report ni Benjie Torralba

para kay

G. Michael Coroza

Literary Translation

Buod

Si Rosario Cruz-Lucero ay isang tagasalin ng panitikinag Hiligaynon tungo sa wikang Filipino. Naatasan siyang magsalin ng isang kwentong pinamagatang Anabella ni Magdalena Jalandoni mula Hiligaynon tungong Filipino. Ang karanasang ito ang ginamit niyang batayan sa pagpapahiwatig ng kanyang mga kaisipan ukol sa mga papel na kailangang gampanan ng isang tagasalin.

Ani Cruz-Lucero, sa unang paghaharap pa lamang sa gawaing pagsasalin ng panitikang panrehiyon tungo sa Filipino ay mga problema na agad na hinaharap. Sinabi niyang iilan lamang (minsan nga ay wala pa) ang nagpapakadalubhasa sa pagsasaling ng mga panitikang panrehiyon. Kadalasan ang mga nagsasalin ay sa paradimong Ingles tungo Filipino o Filipino tungo Ingles ang ginagalawan.

Dagdag pa ni Cruz-Lucero na pilit pa ngayong pumantay ng panitikang panrehiyon at makilala rin sa Manila, ng sentro ng kapangyarihang intelektwal. Masyado kasing nagpagtuunan ng pansin ang pagsasalin ng mga panitikang dayuhan tungo sa Filipino sa mga nagdaang panahon. Bago pa lamang talaga ang gawaing pagsasalin ng panrehiyong panitikan tungo sa Filipino.

Samakatuwid, ani Cruz-Lucero, tatlong papel ang kailangang ganapin ng tagasalin: una'y bilang tagasalin, ikalawa'y bilang tagabuo ng kasaysayang pampanitikan ng kanyang rehiyon, at ikatlo'y bilang tagapag-ambag sa pagbubuo ng kanon ng panitikan ng Filipinas.(Cruz-Lucero, p 45)

May kinalaman din, ayon sa kanya, ang oryentasyon o ideolohiyang kritikal ng tagasalin, malay man o hindi, sa pagsasalin ng isang panitikan. Kaya nga kasabay ng paghahabi ng tatlong tungkulin sa pagpili at paglikha ng salin ng isang panrehiyong panitikan ay ang oryentasyong, pormalista o peminista o ano pa man.

Kaya nga't nagkakakulay ang isang salin kahit na ba ang isinusulong nito ay ang kamalayan ng kasaysayang pampanitikan ng rehiyon. Kaya rin mas lumalawak ang kanon ng panitikan ng Filipinas dahil maaaring masalin ang isang panitikan gamit ang iba't-ibang oryentasyong kritikal ng tagasalin.

Di pa natatapos ang problema sa gawaing pagsasalin dito, sabi ni Cruz-Lucero. Nariyan pa ang di-katiyakang tatangkilikin at papahalagahan ba ng mga mambabasa ang isasalin. Kaya't mahalaga na pag-isipang mabuti kung aling mga panitikan ang isasalin.

At kung halimbawa'y nakapili na nga ng isasalin, haharapin na naman ng tagasalin ang isa pang problema: ano ba ang estilong gagamitin? Dahil nga di pa rin malinaw ang pamantayang estetiko o di kaya'y kultural na pagpapahalaga at iba pa, tunay na nakakadagdag pa ito sa problema ng pagsasalin. Mas lalaki pa ang problema kapag pinag-isipan na kung ang layunin ba ay iparating ang diwang panrehiyon o pambansa.

Para kay Cruz-Lucero, naging pabor sa kanya ang pagiging mansasalin dahil natulungan ng disiplina ng pagsasalin ang paraan ng paglikha niya ng sarili niyang kwento. Nasasaalang-alang niya ang mga estilo at iba pang pamamaraan at kung sa gayung isasalin na ang kanyang mga likha ay madali lamang ito. Nakagabay sa kanya ang nabanggit din ni Mildred Larson sa kanyang Overview of the Translation Task na ang sukatan ng matagumpay na pagsasalin ay ang kakayahan nitong magbigay ng impresyon sa mambabasa na hindi salin ang kanyang binabasa kundi isang sulat orihinal sa kanyang wika.(Cruz-Lucero, p 47).

Pinag-usapan at binigyang halimbawa din ni Cruz-Lucero ang isa pang batayang konsepto sa pagsasalin: na sa pagsasalin, may natatanggal, may nadadagdag. Sa kagustuhan kasing makabuo ng tagasalin ng isang malinaw at "madulas" na salin, nabubura naman niya ang kontekstong cultural ng orihinal na sana ay batayan ng pagkakakilanlan ng rehiyong pinagmulan ng panitikan. Ang mga mambabasa naman ay wala man lang pakialam para sana maituwid ang ganitong kabuktutan. Nagiging magkasabwat tuloy ang tagasalin at mambabasa sa paglimot ng karanasan at kulturang panrehiyon na sinasalamin sana ng orihinal na teksto.

Dahil din naisasalin sa Tagalog, lalong napapagtibay ang kaisipan na mas magaling ang wikang ito kaysa sa panrehiyong wika. Natatabunan kasi ang pagpapakahulugang nakapaloob sa orihinal sa pamamgitan ng paglalapat ng kahulugang at kaisipang Tagalog. Sa isang banda, may kasalanan din ang mambasa dahil marahil ay di rin nila pinahahalagan ang kanilang kultura kaya't nagsasawalang-kibo na lamang sila.

Sa isang

Download as (for upgraded members)  txt (9.9 Kb)   pdf (125.6 Kb)   docx (13.6 Kb)  
Continue for 6 more pages »